
Hindi katalinuhan
Ang batayan
Para sa maunlad na kinabukasan.
Hindi kulay ng balat,
Ang panukat
Para ipakitang tapat ka sa lahat.
Hindi panlabas na itsura,
Ang obramaestra
Para ihalintulad ka sa iba.
Hindi taas,
Hindi timbang,
Ang sukatan,
Para marating ang hangganan.
Hindi bilis ng paglakad,
O tulin ng pagtakbo
Ang kailangan
Upang gawing batayan.
Huwag gawing sandalan ang walang kasiguraduhan.
Huwag gawing basehan
Ang panlabas na kaanyuan.
At lalong huwag limitahan
Ang lahat nang may kapansanan.