Relihiyon

Sa bawat araw na dumadaan
Masayang imumulat ang aking mga mata
Para basahin ang mensahe
Na nanggaling sa pinakamamahal kong sinta.
Masaya.
Kahit na may kaunting problema
Pag-ibig ang siyang sa ati’y nagpatunay,
Na lahat ay kayang ibigay.
Ikaw na nagbigay sa akin ng inspirasyon
Nagbigay ng mga masasayang ngiti
Bumubuo ng aking mga araw
Ang iyong mga tawang puno ng saya,
Ang iyong mga matang puno ng ligaya
Ngunit lahat nga ng bagay ay may katapusan,
May wakas.
Dumating sa puntong kinailangan kong isakripisyo pati kaligayahan ko,
Para sa taong mahal kong totoo.
Nagawa ko siyang bitawan
Dahil at para sa relihiyong aming pinaniniwalaan.
Inipon ko lahat ng lakas ng loob
Upang kayanin kong malagpasan.
Pero ang mga luha,
Patuloy paring dumadaloy.
Ikaw na nagbigay ng saya at inspirasyon,
Ay siya rin palang magbibigay sa akin ng lungkot,
Pagdaramdam,
Pighati,
Pait,
At ala-alang hindi ko makalimutan.
Ang iyong mga matang nagbigay ng saya,
Ay napalitan ng lungkot.
Ngunit,
Diyos na ang may dahilan
Kung bakit ‘di natin pwedeng ipilit ang ating kagustuhan.
Relihiyon na ang siyang ating kalaban.
Mahal,
Mahal pa rin kita.
Pero para sa’yo,
Handa akong bumitaw
Kahit ang kapalit
Ay pait,
At sakit
Sa aking puso.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started