Matagal-tagal na rin pala….

Matagal-tagal na rin pala,
Bago ako namulat sa reyalidad na tapos na,
At wala ka na.
Matagal-tagal na rin pala,
Bago ako bumitaw sa pagkakaibigang akala ko ay madudugtungan.
Matagal-tagal na rin pala,
Bago ko napagtantong hindi ko na pala kayang lumaban pa.
Ang tagal na pala.
Ang tagal na pala simula nang una tayong magkakilala.
Simula nang una tayong magkasama.
Magkasama sa laban
Kung saan magkasalungat tayo ng kaisipan.
Ang tagal na rin pala,
Mula nang maging malapit tayo sa isa’t-isa.
Hindi ko inaasahan,
Na sa tagal ng panahon na pinagsamahan,
Ay natapos ng gano’n na lang.
Hindi ko inaasahan,
Na sa tagal ng panahon na wala tayong ugnayan,
Ay makakalimutan mo ako,
Higit pa sa aking inaasahan.
Na sa tagal ng panahon
Na wala tayong komunikasyon,
Ay mananatili ka na lang na imahinasyon.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started