
Ikaw.
Ikaw yung tipo ng tao na ang sarap mahalin.
Ikaw yung tipo ng tao na mahirap ng pakawalan.
Ikaw kasi yung tipo ng lalaki na komportable akong magsabi ng nararamdaman.
Ikaw.
Ikaw yung tipo ng lalaki na sa ginawa ng Diyos na araw-araw, ay nagbigay ng saya sa pusong nilamon ng lumbay.
Ikaw yung lalaking nagbigay saya sa pusong minsan ng nawalan ng buhay.
Ikaw yung tao na nagpapabilis ng tibok nitong puso ko.
Ikaw.
Oo, Ikaw yung lalaki na nagdadala ng halong saya at kaba sa t’wing makakausap kita.
Ikaw yung tao na kung dadating ang araw o gabi ay laman ng panalangin ko, na sana ako at ikaw, hindi man ngayon,
Ay magkaroon ng Tayo.
Araw, gabi kong pinagdadasal na sana,
Ako, ako yung taong nilaan sayo. Kalabisan man na hilingin, pero sana Ikaw ay maging akin.
Gusto kong bigyan ng katunayan na ako’y sayo. At ikaw? Ikaw ay akin lamang.
Pero Ako.
Ako yung tipo ng babae na ayaw ng lahat.
Ako yung tipo ng babae na hindi kagusto-gusto.
Yung babaeng di kamahal-mahal.
Ako yung taong hindi tipo ng isang ikaw.
Ako yung tao na sa mga hinahanap mong katangian ay wala.
Ako.
Ako yung babae na ipinanganak para lamang mangarap.
Namuhay sa lumang panahon pero ipinanganak sa modernong taon.
Nabuhay nang may pait sa puso, pero sa t’wing makikita ka,
Ang aparato, na sinlaki nitong aking kamao,
Tumitibok.
Tumatalon.
Ngunit takot.
Takot na mahulog.
Mahulog ng tuluyan sa walang kasiguraduhan.
Takot na mabasag.
Takot na mawasak.
Takot na masaktan.
Siguro tanggapin ko man o hindi,
Umiibig na ko.
Ang pusong sa pagmamahal ay uhaw,
Unti-unti mo ng tinutunaw.
Mahal.
Sabihin mong mahal mo din ako, at ako ay mananatili sa tabi mo.
Mahal.
Sabihin mong ako ay di mo kailangan,
At kahit masakit.
Bibitaw ako.